Wednesday, June 18, 2014
Story Part 2 : Subalit hindi din po ako nakapagtapos ng pag-aaral dahl nung year 2004 when I was still 18 yrs old
Subalit hindi din po ako nakapagtapos ng pag-aaral dahl nung year 2004 when I was still 18 yrs old, my father got sick. Nagka-mild stroke po sya. doon na po nagsimula ang kalbaryo ng aming pamilya. Nung mga panahon na yun ay unti-untina rin pala humihina ang negosyo nila Papa Mama. Nadagdagan pa ng malaking gastusin sa pagpapagamot at ospital pati theraphy ni Papa. tatlo kaming nag-aaral noon ako nasa college, and isa kong kapatid ay 3rd yr highschool at ang bunso ay Grade 6 Elementary. Wala ng choice si mama kundi ibenta at isangla ang iilan naming kagamitan para lang may pang-tustos sa amin lalo kay Papa. hirap nadin sila maka-ikot sa negosyo dahil hindi makabayad sa mga supplier at lubog nadin sa utang. dahil dito naisipan ko muna na huminto sa pag-aaral para makatulong kila Mama. Sumubok po akong maghanap ng trabaho pero napaka-hirap palang maghanap ng trabaho lalo kung hindi ka nakatapos at walang experience.
BACK NEXT
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment